Upgrade to Chess.com Premium!

Natupad Ang Kahilingan

 “Your wish is my command.” Ito ang pagkakasabi ng isang Genie matapos siyang magbigay ng isang kahilingan sa isang taong nakapagpalaya sa kanya sa daang pagkakakulong sa isang lampara. Isang pastor ang aking nabisita ang humiling sa Diyos simula pa sa kanyang kabataan ang makapunta sa may bansang may unang titik “A” (America, Australia, o Alaska). Lagi niyang idinadasal ito sa Diyos. Lumaki siyang ito ang laging pangarap sa buhay. Hanggang makapag-asawa, naging pastor, at nagkaroon ng mga supling, hindi pa rin nawawala sa kanyang puso ang makapunta sa bansang may unang titik “A.” Noong mga lumipas na pambansang halalan, ang sikat na si Victor Wood ay kumandidato sa probinsiya ng Rizal. Hindi siya pinalad na manalo. Ang kanyang naging katulong sa pangangampanya ay ang pastor na ito. Naging kaibigan niya ang pastor. At kahit siya’y natalo sa halalan naging maganda ang pagiging magkakilala nila ng pastor. Isang araw nakatanggap ang pastor ng imbitasyon na isinasama siya ni Victor Wood sa Australia. May concert siyang gagawin doon at ang pastor ang isa sa mga magiging DJ. Sagot lahat ni Victor Wood ang kagastusan ng pastor. Natupad ang pangarap ng pastor na makapunta sa isang bansang may unang titik “A”. Kahit piso ay hindi siya gumastos papuntang Australia. Higit sa tatlumpong taon ang lumipas bago natupad ang kanyang kahilingan sa Diyos. Noong ako’y bata pa hiniling ko sa Diyos na suguin ako sa mga taong nangangailangan ng tulong. Nakapanaginip akong ako’y pumunta sa isang isla sa dagat kung saan ay naghihintay ang isang pamilya. Lumaki akong maraming naging problemang dapat malutas sa buhay ko. Labing-tatlong taon akong nakaranas ng mga ibat-ibang suliranin sa buhay. Sa pagtungtong ko ng ika-30 taon, dito natupad ang aking panaginip. Nakuha ako ng The Bible League Philippines upang maglakbay at bisitahin ang mga ibat-ibang tao sa ibat-ibang probinsiya. Ang mga naghihintay kalimitan sa aking napupuntahan ay punung-puno ng mga suliranin sa buhay. Labing-pitong taon bago natupad ang kahilingang ko sa Diyos. Kakaiba ang kaparaanan ng Diyos sa pagtupad ng mga kahilingan ng Kanyang mga anak. Ang pastor ay naging mahirap ngunit nakapunta sa Australia na walang ginastos kahit piso. Ako nama’y dumanas ng ibat-ibang problema sa buhay upang maging handa ang aking emosyon sa pagharap sa ibat-ibang problema ng mga taong aking pinupuntahan. Kung mahina-hina ang aking emosyon maaaring mabaliw ako dahil libong taong may problema ang aking nakakasalamuha sa bawat taong lumilipas. Libre rin ang aking paglalakbay bilang katuparan sa panaginip na ibinigay sa akin ng Diyos sa aking kabataan. Kaibigan, kung humiling ka sa Diyos ng isang kahilingan, maninindigan ka kayang gagawin ito ng Diyos sa iyong buhay kahit maraming pagsubok ang dumating sa iyong buhay? Maaring pagka-inip ang magiging dahilan kung bakit ang mga ninais mo sa iyong buhay sa panalangin ay hindi natupad. Pero tandaan mo ito: ““Kaya’t sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa panalangin, manalig kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo” (Marcos 11:24-25). Nangako rin ang Diyos ang pagpapalaya’y matatamo natin kung 1) aasa sa Kanya, 2) ang mabuti’y gagawin, at 4) hahanapin sa Kanya ang kaligayahan. At ang resulta’y ang “pangarap mo’y iyong makakamtan” (Mga Awit 37:3-4).

Comments


  • 21 months ago

    benjiesbg

    wow, glory be to God

  • 21 months ago

    benjiesbg

    wow, gloru be to God

Back to Top

Post your reply: